Sam Smith songs for your nalulumbay na puso


2015-11-20




Ngayong Sabado na ang concert ni Sam Smith, at kung single ka o heartbroken, I’m sure winner na winner sa ’yo ang mga kanta niya. Sikat na sikat ngayon ang mga kanta niya dahil napakahusay mang-asar ng tagos sa kaluluwang lyrics niya.

Whether you’re watching the concert or not, you will enjoy these “rub-it-in-pa-more” Sam Smith songs that are perfect for your Lonely Hour.

ulols_leaveyourlover

Song title: Leave Your Lover
Tagos sa puso line: “What use is money when you need someone to hold.”

Para ito sa sitwasyon na binili mo na ang gusto niya, pinatunayan na kaya mo siyang buhayin pero iniwan ka pa rin. #RealTalk lang ha, kahit anong gawin mo, money can’t buy you love.

ulols_staywithme

Song title: Stay With Me
Tagos sa puso line: “But I still need love ‘cause I’m just a man.”

Tao ka lang. Gusto mo lang namang may mangamusta sa ‘yo, magtanong kung kumain ka na, mag-alala kapag dalawang araw ka nang nawawala at walang paramdam. May mas totoo pa ba sa kantang ito? #SlashWrist

ulols_imnottheonlyone

Song Title: I’m Not The Only One
Tagos sa puso line: “I have loved you for many years, maybe I’m just not enough.”

Despite the fact na 10 years na kayong together, yes, may chance pang-maghiwalay dahil sa infidelity. Kung kontinente nga naghihiwalay e, kayo pa kaya? And this song is pure #feels sa ganoong scenario.

ulols_restart

Song Title: Restart
Tagos sa puso line: “The truth is I’m better on my own, and I don’t want to live in the past.”

Don’t be fooled by this upbeat song. Tamang-tama ito sa pusong sinusubukang humilom. Para sa mga taong desididong mag-move on, pero ‘di maiwasang balikan ang nakaraan.

ulols_makeittome

Song Title: Make It To Me
Tagos sa puso line: “I know you’re out there, we’re meant to be. So keep your head up, and make it to me.”

Do you really believe there is someone out there made especially for you? Sige, hintay-hintay pa — darating din ‘yan, baka na-traffic lang sa EDSA. Para talaga ‘to sa mga umaasa sa destiny.

Malungkot ka pa rin ba? Oks lang ‘yan. Share your sadness below.