5 zombie books you should read


2015-10-16




Uso na naman ang monsters, lalo na ang zombies ngayon, kahit na kumakalaban sila ng tao o halaman (as in Plants Vs. Zombies). Remember, don’t let zombies eat your brain! Imbis na ipakain mo sa kanila (zombies) or kalawangin ‘yan kakalaro ng CoC, magbasa ka na lang ng libro.

Sakto lang, Undas season means #walangpasok, so kung ‘di mo feel mag-Halloween party or pumunta sa sementeryo, mag-ZomBooks and chill ka na lang.

Here’s our reading list that’s great for the spooky season!

The Walking DeadWALKING DEAD

Syempre kailangang number one ang The Walking Dead kasi technically sila ang nagpalakas sa zombies. Robert Kirkman and Tony Moore are the men behind this hella good comic book series na naging television series — and yes, the graphics are zombie-mazing! Pati na rin ang mga tao rito, sobrang brutal, nagkalat ang dugo’t pawis! In short, mas maganda ‘yung TV series!

FrankensteinFRANK

One of the classic literary novels ang Frankenstein by Mary Shelley. Feeling matalino ka na kapag binida mo sa iba na nabasa mo ‘to, pramis. This book isn’t just about the dead, may pagka-romcom din dahil may pagka-engot ‘tong si Victor Frankenstein. Pero at the same time, siya ang proof na #mayforever. Imagine, patay na ang partner mo bumuhay ka pa ng ibang patay para you can bring him/her back to life! #relationshipgoals

Afterlife with Archie

AFTERLIFE WITH ARCHIE

Nakabasa ka na ba ng Archie? No? Yuck, ang jologs mo! Halos lahat kaya naging fan ng comic series na ‘to. Pero maganda ang ginawa nila to get more readers, nilagay nila si Archie and the rest of his barkada sa mahirap na sitwasyon dahil lahat ng friends and relatives nila naging zombies! Cool, ‘di ba? Mapapaisip ka tuloy… Kung sa’yo nangyari ‘yan, sino ang ha-hunting-in mo ‘pag nagka-zombie apocalypse?

Pride and Prejudice and ZombiesPRIDE AND ZOMBIES

Honestly, wala ako masyadong idea sa libro na ‘to. Pero ang alam ko magandang alternative ‘to kaysa mag-selfie ka o mag-Dubsmash ka dahil this creepy-rary piece ay magiging movie na! Dapat alam mo rin ang #trend sa mundo ng books and movies!

WORLD WAR

Maganda ang World War Z, pramis. Bukod sa naging movie siya at ang bida ay si papa Brad Pitt, iba ang atake nito sa pagkuwento ng zombie apocalypse. Unfortunately, tulad ng ibang entries dito, parehas pa rin ang outcome — maraming namatay at naging zombie. Ang tanong dito eh, paano sila nag-survive? By the way, malayo pala ang pelikula sa libro. Mas enjoy ang libro at sa kung ano mang landi-serye sa TV ngayon. #Realtalk lang!

Images from goodreads.com, amazon.com, and archiehorror.com
Edited by Makaloko

Alin dito ang nabasa mo na at uunahin mo? Share!