Best Pinoy sports movies


2015-10-06




Akalain mong may mga pelikula pala tayong ganito? Time to be motivated! Ultimate flashback ito sa mga movie with sporty plots.

Disclaimer: Our goal is to promote Pinoy films, no more, no less. Just for uLOLs!

Last Two Minutes (1989)Last Two Minutes Poster

(Poster from blog.djmatioka.de)

Isang basketball-inspired movie ito at si Roderick Paulate gumanap bilang coach. Sikat na sikat nung panahon na ‘to ang tatlong PBA players – Alvin Patrimonio, Paul Alvarez at Jerry Codiñera. Ka-lab team nila sina Aiko Melendez, Carmina Villaroel at Ruffa Gutierrez. Kung mahilig ka sa old-school humor at kung may mahanap ka pa sa Quiapo, watch this!
Main cast: Alvin Patrimonio, Roderick Paulate, Paul Alvarez, Jerry Codiñera

Dunkin Donato (1993)dunkin donato by mavshack_com

(Photo by images.mavshack.com)

Kilala si Benjie Paras noon na solid na comedian! Well, hanggang ngayon naman eh! Kulit lang ng pelikulang ito. Tungkol sa dalawang magpinsan (Benjie Paras at Herbert Bautista) na ang goal ay mapanalunan ang inter-barangay league. May pagka-fantasy din ito – binigyan ng dwarves ng sort of “basketball powers” sina Paras at Bautista.    
Main cast:
Herbert Bautista, Benjie Paras, Ruffa Gutierrez

Mangarap Ka (1995)

(Video from Youtube VEMS’)

Inspirational ang peg ng pelikulang ito. Tungkol ito sa isang probinsyano (Mark Anthony) na nangarap maging kampyon sa larangan ng pagtakbo. Ang dami niyang pinagdaanan. Lumawas siya ng Maynila para i-push ang kaniyang pangarap. Sa UP ang setting nito. Ka-lab team ni Fernandez si Claudine.
Main cast: Claudine Barreto, Mark Anthony Fernandez, Dante Rivero, Kier Legaspi

Bakit ‘Di Totohanin (2001)


Rom-Com movie ito. Tungkol sa tatay (Delgado) na dating magaling at nirerespeto na boksingero at gusto niya na may sumunod sa kaniyang yapak. Pero ang only son niya (Quizon) ay isang pusong mamon tapos ang anak naman niyang babae (Santos) ay isang tomboy. Ano raw? Alam mo na? Nagkapalit sila. Si Juday na ang naging boxer. Tapos dadating sa eksena si Piolo. Gets mo na ‘yan!
Main cast: Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Epy Quizon, Johnny Delgado

Thelma (2011)

(Video from Youtube Event Lover’s Hideout)

Another dramatic and inspirational movie. Inspired ito sa story ni Philippine runner Elma Muros. Kung gusto mong ma-motivate para ipagpatuloy ang pagmamahal mo sa sports, ito na ‘yun!
Main cast: Maja Salvador, John Arcilla, Techie Agbayani

(Cover photo by mommywrites.blogspot.com)

Manonood ka na ba mamaya? Share your own sports movies list!