A second look at ‘A Second Chance’


2015-12-04




They say love is sweeter the second time around. Totoo din ba ‘to for movie sequels?

If you’re reading this, siguro naman familiar ka sa pelikulang “One More Chance,” na naging parte na ng Pinoy pop culture at iniiyakan ng libu-libong babaeng umaasa na makahanap ng boyfriend na kamukha ni John Lloyd.

Just recently, ipinalabas na ang sequel na “A Second Chance.”  Marami ang na-excite lalu na nang mapanood ang trailer at makitang ikinakasal ang pambansang love team na sina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo). Ito na ba ang happily ever after na inasam natin para sa kanila?

Parang ‘di pa masyado. You’ll see in the movie na tulad ng ibang mag-asawa, maraming struggles ang pagdaraanan ng dalawa. At tayong viewers, tulad ng ibang talakerang asawa, e marami ring gustong pagdiskusyunan tungkol sa pelikula. Bakit ‘di natin isa-isahin?

SPOILER ALERT! Matanda ka na. Alam mo na ang gagawin mo kung ‘di mo pa napapanood ang pelikulang ito.

I. The classic case of Bea’s ugly wigs

Sa unang movie, kapansin-pansin ang bob cut ni Basha after the breakup. Pero habang umiiyak tayo sa hiling niyang ako na lang, ako na lang ulit, parang may parte ng puso mong nasasaktan dahil sa kachakahan ng wig niya. Bakit ganyan? Bakit kailangang may nakabukod pang parte ng bangs?

Akala namin nagtapos na diyan ang wig fiasco. Aba, ibinalik na naman sa pangalawang pelikula ang mga wig na parang ipinatong lang sa ulo ni Bea! Pasalamat tayo’t maganda siya. Kahit walis tambo siguro ang ilagay mo diyan, keri pa rin niya. Nakakadalawa ka na ha, Direk Cathy Garcia Molina.

ASC_ugly wig 2

 

 

 

 

 

 

 

 

II. Are you going to finish that? 

Pag-usapan natin ‘yang peanut butter sandwich tower ninyo. We get it, simbolismo ‘yan ng itinataguyod n’yong pamilya. O baka ginagawa n’yo ‘yan kasi construction ang business n’yo.

Nevertheless, ang dami-daming tinapay! Mauubos n’yo ba ‘yan? Ang turo ni nanay, huwag paglaruan ang pagkain. Sa isang agahan scene, may baconsilog na nga kayo, may torre de tinapay pa. Akala ko ba wala na kayong pera? Try n’yo kaya magtipid sa pagkain para makaluwag-luwag?

12348342_1101690226522055_1187958466_n

Mahilig ka talaga sa peanut butter e ‘no?

III. Bulag na pag-ibig?

Let’s talk about Kenneth (James Blanco), ang bulag na friend ng barkada.  The supernatural gift of Kenneth. Magaling ang pagganap niya as the wise blind guy na maraming baon na payo para sa mga kaibigan niyang sina Basha at Popoy. Pero madalas kailangan siyang i-guide ng kanyang asawa na si Krizzy (Dimples Romana) dahil, well, he’s blind.

Which brings us to our question: Sa final scene ng pelikula, nang i-surprise ni Popoy si Basha sa simbahan with all the friends watching, bakit kasamang nangingiti si Ken nung papalapit na si Popoy? Let’s assume walang bumulong sa kanya ng mga plano ni Popoy (after all, kahit ang ibang members ng barkada e gulat na gulat). Paano naman niya nalaman na nandyan na pala si Popoy sa likuran ni Basha? Is it a blind man’s heightened senses at work here?

ASC_gifted kenneth

 

 

 

 

 

 

 

 

IV. Nasaan na si Mark? 

Naaalala n’yo b si Mark (Derek Ramsey)? ‘Yung lalaking malaki ang katawan pero ‘di kayang patumbahin si Popoy? Ah yes, may eksena sa “One More Chance” na ikinasal na siya. Kumusta na kaya ang married life niya? At bakit kaya hindi na sila close ni Basha?

MARK1

‘Di ba best friends kayo noon?

V. One more second chance??

Teka lang ha, ‘yung unang pelikula mo ay “One More Chance” – ibig sabihin, binigyan mo ng pangalawang pagkakataon (na sa pelikulang iyon ay ang pagbabalik ni Popoy galing sa Qatar). So paano naging “A Second Chance” ang pelikulang ito? Hindi ba pangatlong pagkakataon na ito?

ASC_uniform

 

 

 

 

 

 

 

VI. Last chance na talaga

Marami naman ang nag-enjoy sa panonood ng pelikulang ito. Pero merong nagsasabing parang nabitin sila at gusto pa ng third installment. Ano na ang kahihinatnan ng buhay-pamilya nina Popoy at Basha? Bitter pa rin ba si Anj? Hindi na ba sila baon sa utang? Kung gusto n’yo ng isa pang pelikula, baka pwedeng makakuha ng movie title and plot ideas dito:

1. “The Another One More Chance” – dahil mahilig din lang kayo sa pagiging redundant, isagad n’yo na.

2. “I’m A Chance” – kung saan magkakaanak na sina Popoy at Basha na papangalanan nilang Chance.

3. “Hashtag Chances Pa More” – dahil sa buhay mag-asawa, maraming beses na magkakamali at madadapa. Kailangan talagang bigyan ng maraming pagkakataon ang isa’t isa. O ‘di ba.

End GIF

Now’s your chance para sabihin sa ‘min kung anong say mo sa pelikula. Nagustuhan mo ba?