5 horrifying video games


2015-10-13




Undas is coming to town! Kaya awat muna sa COC at LOL! Uso ngayon ang zombies o undead at walkers (na kasing bagal at terrifying ng traffic sa EDSA)! And speaking of zombies, we all know na hindi lang sila makikitang palaboy-laboy at nagtatago sa movies and series, pati rin sa video games.

Para feel na feel mo ang season, turn off the lights, ready your headset, and go play these horror games! In random order ito.

1. Last of Us

(Video from Youtube theRadBrad)
This is technically not a “zombie game” pero “Walking Dead” pa rin ang #feels. The goal is to survive! Para ito sa gamers na may PS3 or PS4. There are two characters, si Joel at si Elie. Parehong survivors at parehas gustong makarating sa Fireflies para maligtas ang sangkatauhan. ‘Yung mga zombie dito eh parang mga tambay lang sa kanto, mga mukhang yagit. If you reach level 2, you’ll call the undead “Clickers,” sa level 3 naman “Bloaters” at literal na bloated ang kanilang mga tiyan ha.

Developer: Naughty Dog

2. Dead Rising 1 and 2

(Video from Youtube deluxe345)
Isa sa appeals nito ay ‘yung sobrang daming zombies na kailangang patayin! Good news, nasa mall ang setting so kahit anong gamitin mong pampatay sa kanila, walang problema. What I always use ‘yung mga upuan at ‘yung electric guitar. Wala nang mas ha-hardcore pa dun!

Developer: Capcom

3. Dying Light

(Video from Youtube YouAlwaysWin)
Your typical zombie game with a twist (#gofigure kung ano ‘yun). Maraming objectives and missions na kailangang i-meet. Also, may “night vision” goggles ang mga zombie (soshal ‘di ba?), kaya mas nakakatindig balahibo sa gabi at oo, talagang gumagabi sa laro. Siguraduhing hindi ka aabutin ng “dying light” kung hindi magsimula ka nang manginig sa takot. “Good night, good luck!”

Developer: Techland

4. Plants vs Zombies

(Video from Youtube PVZ)
Ang paboritong laro ng bayan (2010 gamers) ay nagbabalik para sa mga high-end console — mas magandang graphics at mas nakakaaliw na zombies. Halos bago na ang set up ng gameplay pero mae-enjoy mo pa rin siya. Cool din ‘yung dagdag na walkers dito!

Developer: PopCap Games

5. Resident Evil: Revelations 2

(Video from Youtube GameSpot)
Sobrang daming Resident Evil games and so far, lahat sila OKAY! ‘Yung pinakabago ito, kung saan bida si Claire Redfield. Pero the older the better, and siguradong kakabahan ka!

Developer: Capcom

Written by slimSheydi
Edited by Makaloko

Sama mo kami sa laro mo ha!

Disclaimer: Owners of these games didn’t pay us (unless, they want to! JK!). Also, videos here are not owned by the website, please see sources.